Posted by: oboids | April 17, 2007

Pakshet na malupit! Ang INIT!

Putangshet! Nagising ako sa Init! As in, para akong baboy na niluluto sa sarili kong mantika. Ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa kama dahil hindi ako makatulog, habang tumutulo ang pawis ko sa katawan ko. Mukha akong basang sisiw na nakahiga sa ‘basa sa pawis’ kong higaan.

Naubusan ata ako ng tubig sa katawan dahil hindi ako magkamayaw sa paglaklak ng malamig na tubig sa ref.

OO na, obvious ba na walang aircon sa bahay! Mahirap po kasi talaga kami, shet uli – self pity mode.😦 Kaya nananawagan po ako sa may mga giningtuang puso dyan na baka gusto nyong magdonate ng aircon para sa akin. LOL. Private message me lang!

Shet! Naisip ko lang, baka kung me sumeryoso sa aircon, malamang babayaran ko yung kuryente nun. Punyeta mataas na pala ang bill ko sa kuryente, pag dinagdag pa yung aircon baka mamatay na ako sa gutom! Titiisin ko na lang ang pakshet na init na ito! Shet talaga!

Powered by ScribeFire.


Responses

  1. Options:

    1. Pag-igihan ang paghahanap ng AC donor.
    2. Maligo.
    3. Lagyan ng baby powder ang buong katawan. Gawing parang bavarian donut.
    4. Pumasok sa ref.
    5. Matulog sa mall o sa sinehan.
    6. Mind over matter.
    7. Bumili ng yelo tapos pagulong gulong ka.
    8. Water bed pro baka kumulo ang water bed sa init. hahaha
    9. Wag ka na matulog. OT ka na lang. dun ka matulog.

    Bow

  2. Mukhang maganda yung suggestion nung isang comment. Mag-OT ka tapos dun ka mag-comment.

    Ay! Mag-mall ka! Tapos dumikit ka sa may mga air-con!

    Seryoso, nuknukan ng init ngayon.

    Hanong Scribefire? Para san yun?

  3. dude, even here in the mountains super init na din. good thing we still have cool afternoons and breezy nights. and then the occasional rainfall.

  4. @oboids_fan_pres – LOL! galing mo talaga pre! astig yung last suggestion mo..yun na nga gagawin ko eh..haha..maaga na lang akong papasok sa ofc para matulog. Naisip ko rin yung bumili ng yelo at magpagulong gulong dun..hahaha..sarap nun..wet look.
    @utakgago – okay rin yung mall..manuod ng sine sm at matulog sa loob ng sinehan…hahaha! yung scribefire gamit ko na tool for blogging..addon sya ng mozilla firefox.
    @lei – welcome dito sa blog ko..hehe..swerte mo pa rin kasi nde kasinginit dito sa manila..badrip yung init talaga!! at least dyan umuulan pa…dito…subrang humid..tapos nakakapaso yung init.

  5. pansin k0 nga din, kahit dito sa probinsiya. nangangagat ang init, kahit mga pedicab drivers nagtatago.🙂

  6. ginugutom ako sa piktyur mo!!!

  7. hi nix..hehehe..parang ako lang yan…hahaha! baboy na nililitson…huwattttt!!!

  8. Pati nga mga aso namin sa bahay nakikiagaw sa mga electric fan. Hmp!

  9. @empress..Harshness yun! sisingit talaga si bantay at si tagpi diba! arrrrgggghhh.

  10. ako din bro pinupuno ko muna ng powder buong katawan ko para bago ako matorete sa pawis.. mahimbing na tulog ko’

    btw bro i think i need your gaydar sa blog ko’ pasilip.. heheh’

  11. bro, ang init nga… sa amin din kagabi, kahit nakaupo lang ako, pinagpapawisan na… hehehe… thanks for dropping by my blog and leaving a comment. nasa blogroll na rin kita.🙂

  12. buti pa kayo nagrereklamo sa init. dito sa min hanggang ngayon malamig pa rin chong! just yesterday nag sleet and snow… it’s packeng april na no?! oks lang yan, at least pinagpapawisan ka. di ba healthy yun?😉

  13. Tawa ako ng tawa sa post mo na ‘to! Nu ba, inaaliw mo ako! Hahaha

    I can relate. Susme, ako nga habang nagta-type nitong comment ko sayo pinagpapawisan na unti-unti. Nakatigil lang ako at mata’t mga daliri ko lang gumagalaw ha! Nakatutok pa ang eletric fan sa akin. Hay… Kami naman may aircon kaso sa kwarto lang ng dad at bro ko so kaming mga babae ang basang sisiw sa gabi😦

    Linked u na rin, Oboids!🙂

  14. @sasha – natawa naman ako dito “Nakatigil lang ako at mata’t mga daliri ko lang gumagalaw ha!”, i am trying to imagine you..hehehe. Actually me solution na ako sa problema ko sa init..hehe…pumasok sa opisina ng umaga at hindi gabi!! hehe.. im here sa ofc ngayon..uwi ako ng 11pm mamya!!

  15. Kakaiba talaga init ngayon. As in parang impyerno (not that I’ve been there). Kanina nga nagdala ako ng yelo sa kwarto tapos ipinapahid ko sa mga kamay at paa ko. Then dahil of course, natutunaw ‘yung yelo, ang ginawa ko kumuha ako ng panyo at inilublob ko sa malamig na tubig. Tapos ipinahid ko ulit sa katawan ko. Shemas, parang may lagnat ‘yung panahon tapos hinahawaan tayong lahat.😦

  16. skywayred – oo nga eh, subrang init talaga, kahit sa gabi mainit na rin. ansakit sa ulo pag nasa labas ka ng bahay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: