Posted by: oboids | April 16, 2007

Of Marlboro Reds, Winston Lights, & now Gold

smoking1.jpg

Fuck, I can’t stop smoking! I can finish half pack of Marlboro Lights in one day now. Dati pa stick stick lang..ngayon kalahating pack na! Pakshet!Naaalala ko pa noong college days, ang una kong yosi ay Phillips, yung pang pokpok. Tinanong ko minsan yung isang kaibigan kong pokpokita kung bakit philips yosi nya, “Para matagal maubos! Gago!” Shit, oo nga naman! Kung nakatayo ka sa kalye at matagal na nagaantay ng paparada eh, syempre okay na okay ang matagal-tagal na suba (salitang bakla na ang ibig sabihin ay sigarilyo).

Noong nagtatrabaho na ako sa isang bangko sa Eastwood, Marlboro Reds ang yosi ko, nakaka limang stick ako bawat break. Yung pakiramdam ko nun para akong nasa alapaap pagtapos ng yosi break, pero sarap magtrabaho, kasi nakakarelax. Kaso medyo sumakit yung dibdib ko kaya tinigil ko yung Reds medyo matapang kasi, pinalitan ko ng Winston Lights – yong parang lasang papel.
winston_lights-copy.jpg
Naisipan kong magtrabaho sa isa sa mga call centers sa Eastwood, halos lahat ng kaopisina ko Winston Lights ang yosi. Isang buong team kami na magbebreak ng 30 minutes para magyosi sa ground floor ng IBM, lahat me tigiisang kaha ng Winston Lights, kung wala ka namang dala hingi ka lang ng isang stick sa teammate mo. Antagal, na puro Winston Lights ang yosi ko. Tuwing lalabas ako para, mag-party, me dala akong isang kaha ng Winston sa bulsa kasama ang cricket na lighter na madalas ko rin namang mawala. Shet!

Several months ago, nagrelease ang Marlboro ng tig-hahalf pack na kaha ng yosi, tuwang tuwa ako kasi finally makakatipid ako. Yun ang akala ko, dahil mas lalong lumala ang aking bisyo. Nagsimula sa kalahating kaha na mauubos ko ng dalawang araw, ngayon ang kahalating kaha ay di na tumatagal ng isang araw.

Nandiyang maglagay ang Marlboro ng napakalaking sign sa pack nito “GOVERNMENT WARNING: CIGARETTE SMOKING CAN KILL!” walang epekto! Minahalan na ang ang isang kaha ng yosi eh bumibili pa rin ako. Masarap eh!

Minsan tinanong ako ng barkada ko na clean living sa katawan (nde marunong magyosi), “Bakit ka ba nagismoke lagi?” “Eh, kasi bored ako at wala akong magawa, tsaka nakakaalis ng stress.” Yeah right!
lights.jpg
Ang totoo nyan, masarap lang talaga sa pakiramdam yung me isang stick ka ng yosi sa pagitan ng dalawa mong darili, yung hinihithit mo yung usok ng yosi at ibubuga ng pinong pino. Nakakatuwang tingnan ang usok, at masarap ang lasa ng mainit at medyo mapait (spicy) sa dilang usok ng yosi, lalo na kapag pinapaikot mo ito sa loob ng iyong bibig, nilalaro laro ng dila yung init. Nakakaadik! Tapos kapag hinihithit mo at pinatatagal sa loob ng dibdib ang bawat usok ng yosi, pakiramdam mo ay pumuputok ang mga hibla ng utak mo, parang nagigising ang iyong katawang kanina lang ay inaantok! Nakakarelax!

Ooops! Napasarap ako sa kwento. Naubos ko na pala yung Marlboro Lights ko. Sandali lang po at bibili lang muna ako sa tindahan sa labas. Isang kaha na kaya ang bilhin ko?


Responses

  1. Sarap magyosi! Pati ako nga, sandaang beses na nag-try mag-quit.. bagsak na nga ako sa Ultra Lights para feeling healthy – – pero ganon din.

    Pagkatapos ng tanghalian, or sa umaga with coffee.. yan ang problema ko.😉

  2. if ayaw mo na magyosi, may gum na naimbento. nicotine (spelling?) gum. parang, meron siyang.. same element sa yosi. yun yung nagpapaaddik sa mga tao🙂

  3. I’d quit smoking since 2nd year college (my parents didn’t know it!). But I’m quite tempted to go back again. Office influences din (in a callcenter). Smoking does relieves stress!

    http://www.writinerery.com

  4. @malebeauty – yosi + cofee = SARAP!! lalo na kapag magsisimula pa lang araw mo. Sigh.
    @karla – Thanks for dropping by my site. :p you spelled nicotine correctly, hehe. nicotine gum?? hmmm, maybe ai should get myself one…pero san naman nabibili yun? The patch just doesn’t work, sabi ng friend ko na gumamit nun minsan. :p
    @xerendipity – malakas talaga humatak ang mga tao sa call center para magyosi, halos lahat kasi eh! Me kakilala ako na nde marunong magyosi before working for a callcenter, ayon nagyoyosi na rin. sheez.

  5. I tried to smoke… I already tasted the menthol taste of the filter as it softly grinds my lips… but I didn’t have the courage to light the matchstick.

    I remembered that I am a future nurse.

  6. @monmon – hehehe…nursing student ka pala! I know a lot of nurses who smoke too..and some smokes weed. LOL

  7. right on the dot.🙂
    natumbok mo yung feeling ng pagyoyosi, masarap naman tlaga. usually naghahanap ako ng yosi after maka ilang rounds ng beer, because somehow it gets the tipsiness out. pero hanggang dun lang, i don’t want to make it a habit. as a dentist, i know too well the downside.

  8. @jun – kaya me propylaxis..LOL

  9. haha.. i do smoke.. especially pag inuman at busog. pero everytime na may dance competition na parating, i need to stop my yosi sessions. kasi ako din magssuffer. tsaka lagot ako sa choreo nmin! hehe..

    i remember, hope ata ang una kong nasubukan. hehe. for fun lng naman.. then later on nag winston na rin ako. pero na-realize ko, parang mas mausok ang pula kaysa sa puti. kaya sabi ko puti lng ako lagi. nalulunod kasi ako sa pula. wahaha.🙂 pero ngayon, menthol mode ako. init e. lol!

  10. @ikaw – wow! natry ko rin hope dati, isang beses lang nung college din, yun yung karpintero yosi! hahaha! Anlakas ng tama nun..LOL Di ba nakakabaog daw menthol? LOL

  11. Tried smoking before but I quit after a week. All I can smell was smoke that time and I panicked hehe…

    Panalo itong yosi post mo, Oboids! Saw ur blog thru mybloglog. Ex-links tayo!🙂

  12. @sasha-welcome to my blog po. hehe. I’m reading your blog right now. :-p buti naman try lang…bad ang pagyoyosi eh, masama sa kalusugan.. hehe.Just added you as one of my contacts in mybloglog. Exlink is cool!

  13. No!!! May blog ka pala! hehe. link kita when i update my gutter links.😉

    as for this entry, i really am cutting down on my yosi. i only have strict reasons on when to smoke. e.g. nasa beach, overstressed at work (at dapat sa 36th floor veranda lang), pag sat night on a major gimik, etc. hehe. and so far it’s working! i want to take care of my body, kaya dapat lang din mag dahan dahan sa nicotine (and all those chemicals).

    pero tama ka rin, iba talaga ang naitutulong ng yosi. pag depressed, masaya, malungkot, or kahit mag isa ka lang.🙂

  14. @drei – hehehe, binugaw ni diane ang blog mo..at syempre natuwa ako sa mga pictures kaya nilink na rin kita…hahaha! Welcome here man! the little world of NO

  15. how tall are you? just curious.

  16. @no name – why dya wanna know? :-p

  17. Nice. Answer a question with a question. Very defensive. Becos you look so tall/short on that pic. Now pick your choice.

  18. @noname – hahaha! yeah I learned that in my line work. 5’6

  19. Nice one…dude!! im still a begginer. one to 3 sticks a day will do., and i can stop it for let say a week without it but, when i read your blog..hahahaha nagiisip ako ngayon sa ganyan din ba ko mapupunta?shit.. ngayon pa lang ititigil ko na before my parents know it! hehehehe any way college pa lang nman ako,kaya ko pa mag quit! tanx for the inspiring info…:)>-


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: