Posted by: oboids | April 9, 2007

Laiya Trip & Pics

Sa wakas natuloy din ang planong lumabas ng Rathaus – tawag namin sa ‘all-girls’ dorm dahil sa mga nagtatakbuhang mga daga sa kisame. Yung grupo nina Aweh at Minda sa Lemery pupunta dahil libre ang sasakyan nila (mahirap! chuz!), kami nina Joy, Alvic at Diane sa Laiya, Batangas.

Kulang na lang magsaksakan ang mga dorm mates ko nung isang araw dahil ang gusto ng isa magsama-sama (parang pamilya lang!) ang gusto naman ni Joy at Alvic e ‘stick to the first plan’. In the first place, nagpareserve na si Diane for us. Hindi magkasundo ang mga tao sa iisang plano, samantalang ang inyong LOLO eh masarap na natutulog habang nagkakagulo! Well, natuloy ang trip ng mga rathaus pipol, ang kanya-kanyang grupong trip. Ghadammit! Watashi kebs! Watashi, join sa ever fabulous group ni Diane (Organizer ng Laiya Trip).

Alas kwatro pa lang ng umaga eh binulabog na ako ng katok ni Joy para gumising. Nay, isang oras lang ang tulog ng LOLO nyo dahil lumandi pa ito kagabi. At napilitang magprepare ng dadalhin. Prepare. Prepare. Prepare.

Mayamaya eh sumisigaw si Aweh (Promoter ng Lemery Trip) ng, “Rey gising na!”

Shet! Andito si Rey? Pakshet na malupit! Nagtatakbo ang LOLO nyo sa loob ng kwarto ni Aweh para magbigay pugay sa bakla. “BAKLA!!! ANO NA!!” Beso-beso-beso. Yakap-yakap-yakap. In fairness, na-miss ko si putah!

Aweh uli, “Punyeta Rey! Gising na! Maleleyt na tayo sa lakad!” Ay f*ck! Si friend-Rey sasama sa very unfabulous trip to Lemery. Ghadammit!

Alas singko ng umaga, nakahanda na ang Grupo ng Laiya. Pero bago kami umalis nagpapicture muna ng very light ang mga tao, this time samasama. Ampaplastic ng mga

putah!

dscf0819.jpg

Joy, Oboids, Minda, Rey at Alvic

Laiya Trip

Lemery Trip

 

  • Diane (Organizer)
  • Alvic
  • Joy
  • Oboids
  • Bryan ‘Office mate’ daw ni Alvic (chuz!)

 

  • Minda (Organizer)
  • Bingo (Bf ni Minda)
  • Aweh
  • Rey

Mga Bloppers: Listahan ng mga experiences namin sa daan papuntang Laiya.dscf0716.jpg

1. Nagpaparamihan kami ng maiidentify na mga trees sa daan habang binabagtas ang Batangas. At dahil sa kagustuhang manalo ni Joy eh pabibo nyang isinagot ang Saging! Antaray ni ateh noh, parang puno lang ang saging!

2. Dahil eleksyon eh andami naming mga nakitang poster ng kandidato sa daan. At sa dami ng mga posters nila eh nakauwi na ako’t lahat eh natatandaan ko parin. EPEKTIB! Syempre ang mga listahan ng paborito naming kandidato: Number 1 si ateh Mabel – kandidato para board member, di pahuhuli si Raming Mindanao – Kandidato para konsehal, At si Eric Africa (Batambatang kandidato) – Kandidato para Mayor ng Lipa.

3. Ilang beses kami naligaw sa Lipa dahil hindi namin makita ang punyetang Mercury na likuan papuntang San Juan. Yung huli naming tinanong na mama eh sinabihan kaming, “Aba ey lagpas na po kayo, pabalik na nga po kayo ng Maynila eh. Balik po kayo sa Poblacion at kumaliwa kayo sa Mercury.” F*ck Mercury na naman! Wala naman kaming nakitang Mercury sa daan! So ang ginawa namin ay nagtanong-tanong pa, makalipas ang isang oras ng paghahanap ng Mercury eh sa wakas ay nakita din namin ito. Shet di ba!

4. So papunta na kaming San Juan, at narating namin ang bayan ng matiwasay. Hindi naman namin alam kung san ang daan papuntang Laiya. So nagtanong tanong kami. Me nakita akong may kalakihang babae na nakatayo sa kanto malapit sa simbahan. Inilapit ang sasakyan. Ibinaba ang window. Sumigaw kami ng “Ale! Ale! Pwede po bang magtanong” Aba si putah tumalikod na parang walang narinig! Shet! Inistab kami! Sumigaw ako ng “ALE! ALENG MATABA PWEDENG MAGTANONG!” Binatukan na lang ako ni Joy! Nyehehe!

5. Me nakita kaming pulis na nakatayo sa kanto, at dahil aktong tatawid na sya ng kanto eh kumanan kami para maintercept sya at makapagtanong. Sinagot naman nya kami ng maayos, binigyan ng clear direction, pero dahil pulis sya eh sinabi nyang mag-U-turn daw kami sa palengke. At dahil law-abiding-shit kami eh sinunod naman namin. Alam nyo ba na ang U-turn na ito ay isang mahabang U-turn na ang dadaanan mo ay palengke. Isang MAKIPOT at MATRAPIK na palengke. As in putangshet, MAKIPOT talaga! Parang ako lang, makipot! LOL!

dscf1005.jpg

Sa wakas ay nakarating din kami ng maayos sa Laiya. Para akong bata na tuwang tuwa ng makakita ng dagat! Pero F*CK ang konti ng tao! Nalaman ko na lang na exclusive pala yung resort kaya ganun, at kung gusto mong makakita ng maraming tao eh kailangan mong maglakad lakad sa malayo. Tangshet!

Pero maya maya eh may dumating na dalawang HOTTIE! Pero damn kasama ang family, bwiset! Okay lang may dagat naman. Asus!

Nde bale Mamyang gabi! Hehehe!

Pictures Galore:

dscf0862.jpg dscf0889.jpg dscf0955.jpg

dscf0989.jpg dscf0990.jpg dscf1047.jpg dscf0906.jpg

dscf0885.jpg dscf0893.jpg dscf0911.jpg

dscf0852.jpg dscf0883.jpg dscf0975.jpg

– End –

Tinatype ko to habang iniinda ang sakit ng sunburn sa likod.


Responses

  1. kainggit naman! ang sarap ninyo talaga riyan. dito – pahirapan para maka-pagoff lang.

    i like the pics! talagang nakakainggit ‘pre! hope your sunburn heals really fast. want some sunblock?!😀

  2. Wah!I so need one raindowreels. Ansakit na ng likod ko. Hapdi!

  3. wawa ka naman oboids. meron akong aloe vera rito, pampalamig ng sunburn para hindi ka mahirapan while it’s healing. don’t worry, pagbisita ko diyan dis year, dadalhan kita😉 just lay on your stomache for now – ehem.😀

  4. Thank you chief! I will! By the way, i’ve been reading your site and enjoying it. dami ko natututunan! Congrats pala sa iyo dun sa google adsense check. Ang galeng!

  5. LOL! Thanks! You know you can do it too — unfortunately, wordpress.com doesn’t support google yet – – I know Blogger.com does because it’s owned by Google.

    When you’re ready, tulungan kita. I am still learning alot kaya heto – – puyat na naman. Ingats!

  6. Salamat po! TULOG NA!!! hehehe! bawal mapuyat!

  7. sosyal ng resort huh, di tulad ng pinuntahan namin…

  8. Kakablog ko palang na gusto ko magpunta ng Laiya ulet tas napunta ako dito sa blog mo.

    Para sa akin, kung gusto mo ng ultimate na relaxation, maganda ang Laiya kase hindi pa mashadung madami ang nagpupunta kung ikukumpara mo sa Puerto at sa Boracay.

    Pero kung may iba ka pang agenda bukod sa relaxation, well, ultimate place ang Puerto at Boracay para dun.😉

  9. kakakwento pa lang ni mithi saken tungkol sa Laiya. nakakainggit naman, gusto ko na tuloy pumunta dun!

  10. ayus buti ka pa nakapag beach na.. grabe na init ngayong summer kasi.

  11. @eric – I’m actually planning to go to the beach again this May! Nagaantay lang ako ng magyayaya sakin. HAHAHA!

  12. naglaiya rin ako dati, last year. konti lang yung nemo sa dagat kasi 2weeks after ng bagyo. hehe. and wala talagang tao. hahaha…

  13. @flash – talaga? nice nice! pagpunta mo next time, tell me..sama ako..hehe

  14. I jaz wna clarify this…mejo d consistent sa 1st part sabi mo ako ang organizer nung later part c minda naman ano ba tlga koya?:P and another thing ksama namin si Marx! at nena rich lang tlaga kami kasi may sarili kaming sasakyan at dina kailngan mag-rent hehehe

  15. @aweh – kumusta ka naman aweh! hahaha! welcome dito! parang nde lang tayo maghawsmate ah, LOL. Oist! ang sabi ko ‘promoter’ ka, nde organizer. Antok ka na noh?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: